Mga Kwento ni Jackie.

"Forbidden Love. Maraming hadlang, maraming nakikialam, marami ang hindi sang-ayon sa kung ano ang namamagitan sa dalawang taong nagmamahalan." Malaganyan ang istorya ni Budoy at Jackie. Wala na silang pakialam sa mga sasabihin ng ibang tao dahil sa kabila ng mga asungot na laging umiepal, ang mahalaga ay masaya at mahal nila ang isa't isa.

TAMPO.

fuckyeahjp:

Bakit nga ba madaling magtampo ang mga babae kesa mga lalaki? Siguro ay dahil sa may pusong mamon sila. Minsan di mo namamalayan, iisang salita lang makakapagpabago na ng mood niya. Minsan naman kahit magpaliwanag ka at sabihing hindi mo sadya ang mga nabitawan mong salita, wala ka nang magagawa. Sobrang sensitibo kasi ang mga babae. Pero ang totoo niyan, gusto lang nila magpalambing at marinig ang paulit-ulit mong “Mahal kita”.

012. I really wish I could hug you right now.

Kaya ayokong umuuwi dito e.

Except sa fact na hindi talaga ako makapag-aral dahil lagi akong inuutusan e, yung kapag mag bababye na ko kay mama. Sht. Nalulungkot ako. Kahit pa tig 2 days lang naman kami hindi nagkikita. Still it hurts. -___- Kitang kita ko kasi sa muka ni mama yung lungkot pag aalis na ko papuntang dorm. Fck. Yung last ko ngang alis e, naiiyak ako habang naglalakad. Nakakainis. Kung dati e excited ako kasi sa dorm ako titira ngayon, gusto ko magback out. Kung kaya ko lang talaga mag-uwian. Pero kaya naman kaso, gaaaaaad bagsak ako sa bed nun pagdating. Kawawa naman kasi mama ko dito pag wala ako. Mag-isa lang. Eh pano pag sumakit nanaman sikmura niya, na halos mamilipit na. Sino magbibigay ng gamot sa kanya? Hay mama, masasanay din tayong dalawa. Don’t worry, mag-aaral ako ng mabuti. ;) I love you ma! >:D<  

Ang sakit lang masabihan ka ng ganun ng taong mahal mo. Nakakadown. Ayokong iiyak to. Hayaan nalang. 

Yung mga lalaking yayakapin ka galing sa likod, sabay kiss sa cheeks. Ohmy :>

grabe. balak ko pa naman magaudition sa Paci Rhutmos (Dance Troupe ng AMV) kaso natatakot ako magaudition. :(( Pero gustong gustong gusto ko talagaaaaaaaa. Kinabahan kasi ako bigla nung nakita ko yung FB account nila. Tapos may pictures dun ng auditions last school year. Tapos may mga vids pa ng mga sayaw nila. -___- Sana di ko nalang nakita e. Kinabahan ako ng sobra sobra. PERO GUSTO KO TALAGA. Gusto ko maging member ng Paci Rhutmos. Haaaaaaaaaaaaay. Please Lord tulungan niyo ko. Gusto ko talaga e. :((( 

Things I hate this Summer.

  • liga
  • liga
  • liga
  • liga
  • sagala
  • sagala
  • sagala
  • sagala

BASURA KA BA?

KASI KAHIT SAAN AKO TUMINGIN, PAKALAT-KALAT KA E. 

buhaybabae:

This is just sweet. You two went out. Going somewhere private where the two of you can be alone and talk. Suddenly, it’s getting cold and you don’t have a jacket and he offered what he’s wearing. You hesitated but he insisted. It’s just sweet.

(via buhaybabae)

Problema ng dalawang magkasintahan na papasok na sa College.

matabangutak:

Ito ang madalas na problema at nagiging problema at nagiging sanhi ng tampuhan at away ng dalawang taong nagmamahalan. Dito kasi nagiging paranoid ang isat-isa. Tipong magkakahiwalay sila ng paaralan na pag-aaralan.

Mabigat sa pakiramdam ang tagpong ito, yung tipong iisipin mo kung sino yung mga taong makikilala niya doon, sino yung taong magiging seatmate niya kung lalake ba o babae, natatakot kang baka may lumandi sa kanya.

Kahit na sabihin mong may tiwala ka sa kanya, hindi mo maiiwasang mawalan ng tiwala sa mga makikilala niya, alam mo kasing tao lang yung taong mahal mo, maari siyang matukso o kaya naman magkamali. Pero para sa akin, isa itong matinding pagsubok na kailangan niyong malagpasan.

Sa mga lalake, kung may oras kayo sunduin ang girlfriend niyo o yung taong nililigawan niyo sa school nila gawin mo ito kahit papano kasi alam ng babae na sincere ka talaga sa kanya at sa oras na may dumating na tukso sa kanya eh ikaw agad ang maalala at hindi nito masyado papansinin ang mga nagpapapansin na lalake.

Sa mga babae, minsan intindihin mo ang mga lalake na nagiging paranoid dito, gusto lang nila na sa kanila ka lang mismo, ayaw nilang magkakaroon ng kahati sa nararamdaman nito sayo. Kaya intindihin mo sila para intindihin ka rin nila. May oras na mas maarte ang lalake sa babae, kaya kailangan mong ipaliwanag sa kanya na siya lang ang mahalaga sayo na normal lang naman na mangyayari yun sa inyo. Ipaalam mo sa kanya na hindi lang kayo ang may problema na kung ano man ang nararamdaman niyo ngayon.

Kailangan ng mabuting pag-uusap para makasurvive sa relasyon na magkakahiwalay kayo ng paaralan.

Tandaan mo na paaralan na pinapasukan lang naman yung mawawala, pero hindi yung nararamdaman.